Dismayado si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaimie Morente sa kanyang mga tauhan na nasangkot sa natuklasang “pastillas” scheme.
Sa ilalim ng modus na ito, kinakailangang magbayad o magbigay lamang ng bribe money na P10,000 ang isang dayuhan upang makapasok na sa Pilipinas nang ‘di dumadaan sa tamang proseso.
Ayon kay Morente, labis ang kanyang pagkadismaya sa mga unauthorized activities ng ilang BI personnel na patuloy na gumagawa ng iregularidad sa kabila ng pagpupursige nilang masawata ang culture of corruption sa ahensya simula pa noong 2016.
Sa ngayon inilagay na umano niya sa administrative holding office at inalisan narin ng mga prebiliheyo ang mga nasasangkot na opisyal at kawani ng BI na una nang sinibak sa pwesto ni Pang. Rodrigo Duterte habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.