Dumepensa ang birit queen na si Morisette Amon kaugnay ng kumakalat ng video ng isang dalagang nahulog sa stage habang nagpeperform ng awiting bad romance ni Lady Gaga.
Ito ay matapos na ipost ng isang Facebook page na may pangalang Senyora Bobita na si Morisette ang nasa video na nahulog na senigundahan naman ng ilang mga netizens.
Sa kanyang series of tweet, itinanggi ni Morisette na siya ang nasa video at nagpaabot ng pagdamay sa kung sino man aniya ang nasa video.
Dagdag ni Morisette, bukod sa niloko aniya ang lahat ng admin ng naturang page sa pagsasabing siya ang nahulog ay mas nag-aalala siya sa lagay ng babaeng nasa video.
Iginiit pa ni Morisette na hindi nakakatawa at hindi dapat pinagtatawanan ang mga insidenteng tulad ng pagkakahulog sa hagdan.
Sa kasalukuyan ay abala naman ang singer bilang bahagi ng Asian Talent search ni Bolton na may titulong Bolt of Talent.
By: Krista De Dios
SMW: RPE