Maaaring mga Moro terrorist ang nasa likod ng pagsabog sa Hilongos, Leyte.
Ito ang binigyang diin ng pulisya makaraang ipag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang solusyon sa atake sa Leyte na nag-iwan ng 32 kataong sugatan.
Partikular na tinukoy ng pulisya ang mga grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Maute Group kung saan ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, naghahati umano ang dalawang nasabing bandidong grupo ng proseso gamit ang iba’t ibang teknolohiya sa paggawa ng mga bomba.
Dagdag pa ni Lorenzana, dahil sa nararanasang panggigipit ng BIFF at Maute bunsod ng mas pinaigting na pwersa ng militar, maaaring itong pagsabog sa Leyte ang ginawa nilang diversionary tactic.
Matatandaang binisita ng Pangulong Duterte ang mga naging biktima ng pagpapasabog sa Hilongos, Leyte noong Biyernes kung saan namigay ito ng tulong pinansyal para sa mga nabiktima.