Arestado ng mga awtoridad sa bansang Spain ang isang Moroccan na nagtatangkang maghasik ng terorismo sa kasagsagan ng pandemya sa COVID-19.
Ayon sa Spanish civil guard, halos apat na taon na nilang binabantayan ang galaw ng hindi pinangalanang Moroccan terrorist.
Lalo pa anila itong naging agresibo nang lumakas ang process of radicalization noong panahong isinailalim sa lockdown ang bansa noong Marso.
Nanghihikayat umano ito sa mga mamamayan ng Spain na umanib sa Islamic state sa pamamagitan ng tawag sa telepono.
Naghahayag din umano ng galit ang nasabing terorista sa mga maka-kanluraning bansa gayundin ang pagpost nito sa kaniyang social media ng pakikipag-alyansa sa ISIS.
Dito na hiningi ng Spanish authorities ang tulong ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) gayundin ang state security forces ng Morocco upang masukol na ang nasabing lalaki.