Inulan ng kantiyaw ang koponan ng Morocco matapos magkamali ang isang manlalaro nito kung saan ipinasok ang goal sa kalabang Iran.
Sa social media, bumaha ang pambabatikos kay Aziz Bouhaddouz makaraang tulungan nitong manalo ang Iran sa iskor na 1-0.
Dahil dito, nanganganib na umuwi ng maaga ang Morrocans.
Isa ang Iran sa koponan na mula sa Asya na nakapasok sa Russia 2018.