Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong illegal detention na isinampa ng tinaguriang Morong 43 Health Workers laban sa 7 pulis at Militar na umano’y iligal na umaresto, nagkulong at nagpahirap sa kanila noong 2010.
Sa ipinalabas na resolusyon ng Sandiganbayan 7th division, tinanggap nito ang inihaing Demurrer of Evidece ng mga akusadong Retired Army Generals na sina Jorge, Segovia, Aurelio Baladad, Joselito Reyes at Cristoba Zaragosa.
Gayundin ang mga pulis na sina Marion Balonglong, Allan Nobleza at Jovilyn Cabading.
Ayon sa desisyon ng Korte, pinawalang sala ang mga nabanggit na pulis at sundalo matapos mabigo ang prosekusyon na patunayang nagkaroon ng paglabag sa Republic Act Number 7438 o Rights of Arrested, Detained or Under Custodial Investogation ang mga akusado.
Hindi rin anila napatunayan ng mga Human Right Lawyer na opisyal silang abogado ng Morong 43 noong hindi sila pinayagang makausap ang mga ito.
Magugunitang, 10 buwang nakulong ang Morong 43 matapos maaresto dahil sa pagkakaroon umno ng training sa paggawa ng pampasabog isang bahay sa Morong Rizal.