Hawak na ng mga pulis ang mortar na balak sanang gamitin ng Maute Group noong Enero sa traslacion ng Itim na Nazareno at Miss Universe Pageant.
Ayon kay National Capital Region o NCR Police Office Chief Police Director Oscar Albayalde, nakumpiska ang mortar mula sa naarestong si Nashit Ibrahim na kumakanlong sa mga kapwa Maute Group member.
Ibinayahe umano sa Roro ang nasabing mortar mula Mindanao at isinakay sa isang sports utility vehicle.
Sinabi ni Albayalde, matindi ang banta sa seguridad noong traslacion kaya nagdeploy sila ng 4,700 tauhan sa Metro Manila.
400% mas marami iyon kaysa karaniwang dinedeploy tuwing pista ng Itim na Nazareno.
Alam na, aniya, ng pulisya na bukod sa improvised explosive device na natagpuan malapit sa US Embassy noong Nobyembre, mayroong pang mga pampasabog na nakapasok sa Metro Manila.
By Avee Devierte |With Report from Jonathan Andal