Binalot ng wildfire smog ang buong Moscow sa Russia na nagmula sa kalapit na rehiyon bunsod ng nararanasang heat wave.
Ayon sa mga otoridad, nanggaling ang usok sa Ryazan Region na nakararanas ng wildfire na tumupok na sa mahigit tatlong ektarya ng lupain.
Agad naman nilang inabisuhan ang publiko na magsuot ng face mask upang maprotektahan laban sa usok.
Sinisi naman ng Federal Forestry Agency sa Rosleskhoz ang gobyerno sa Ryazan Region dahil sa kapabayaan nito sa nangyari na posibleng kagagawan ng isang indibidwal.
Maliban sa Russia, apektado rin ngayon ng heatwave ang maraming bansa sa Europe kabilang ang Germany, Spain, Portugal, United Kingdom, France at Ireland.