“Laban Wil.”
Ito ang naging mensahe ng malalapit na kaibigan at fans ng Fil-American na si Wil Dasovich, dating Pinoy Big Brother housemate matapos na ibalita nitong may sakit siyang cancer.
Ilan sa mga nagpaabot ng words of encouragement kay Wil ay sina Anne Curtis, Erwan Heussaff, Karen Davila at Rhap Salazar, kung saan tinawag ng mga ito si Wil na fighter, nag-alay ng dasal at binigyan din ng lakas ng loob ang binata na malagpasan ang pagsubok.
Kahapon ay inilabas ni Wil ang kanyang ‘most important vlog’ at kinumpirmang may cancer siya.
“As tough as it was for me to take that in, it’s not going to stop me from having fun, being myself, and continuing to do what makes me happy.”
Kasabay nito ay nagpasalamt si Wil sa lahat ng nagpakita ng suporta at pagmamahal sa kanya.
“I thank everyone for all the support and I truly love each and everyone of you. I’m overwhelmingly grateful for helping me get to this point.”
Kasalukuyang nasa US si Wil kung saan siya sumailalim sa mga pagsusuri matapos na makaranas ng internal bleeding.
Bukod sa dating pagiging housemate sa PBB: Lucky 7 episode noong nakaraang taon, kilala rin si Wil na ‘vlogger’ at model na may online followers ng aabot sa 600,000.
Umaani rin ng milyun-milyong views ang kanyang mga travel vlog sa YouTube.
Photo and Video Credit: Wil Dasovich Instagram and YouTube
AR / DWIZ 882