Naaresto ng operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang most wanted person sa Barangay San Isidro, Parañaque City.
Sinabi ni PNP Chief Police General Debold Sinas, na base aniya sa report na isinumite sa kanya ni NCRPO Chief Police Brigadier General Vicente Danao, isang police tracker team ang nakalambat sa suspek na si Ronnie Bolista sa San Antonio Valley.
Ayon sa PNP, mayroong standing na warrant of arrest si Bolista dahil sa kasong double murder at frustrated murder na inisyu ni Judge Pedro Dabu ng Malabon Regional Trial Court Branch 170.
Dagdag ng PNP, no bail o walang piyansa ang kasong kinakaharap ng suspek na ngayon ay nasa kostudiya na ng Northern Police District.