Kalaboso ang isang “most wanted person” sa Malabon na nakuhanan ng droga at armas.
Kinilala ng Malabon Police ang suspek na si Hennry Gasoso alyas Badiano.
Inisyuhan ang suspek ng warrant of arrest sa pamamagitan ni Malabon Regional Trial Court (RTC) presiding Judge Hon. Jimmy Edmund Gaoiran Batara.
Sa ngayon, nakakulong na si Badiano dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.