Napatay ng isang pulis sa Tarlac City ang tinaguriang most wanted person sa Samar Province.
Nakilala ang suspek na si Genesis Oquendo na may patong sa ulo na P50,000.00.
Ayon sa Samar Police Provincial Office, pinaputukan ni Oquendo ang mga tauhan ng Tarlac City police na magsisilbi sana ng arrest warrant laban sa kanya sa pinagtataguang tahanan nito sa Barangay San Vicente sa Tarlac.
Nabatid na una nang sinampahan ng dalawang bilang ng kasong murder at kasong frustrated murder si Oquendo sa mga Korte sa Samar.