Maaari nang bilhin ng kumpaniyang More Electric and Power Corporation (MORE POWER) ang lahat ng distribution assets ng dating power firm sa Iloilo na Panay Electric Company (PECO).
Kasunod ito ng naging kautusan ng Iloilo City Regional Trial Court na maisama ang jba pang mga asset ng PECO sa inihaing Writ of Possession laban dito ng MORE Power.
Batay sa 22 pahinang desisyong inilabas ni Iloilo RTC Judge Nestle Go, kinatigan nito ang mosyon ng More Power na maisama maging ang Category C assets ng PECO sa Writ of Possession na una nang ipinalabas ni Iloilo RTC Judge Emerald Requina Contreras noong Pebrero 2020.
Ginawa ito ng Korte matapos igawad ng Kongreso ang 25 taong legislative franchise para sa bagong distribution utility na More Power salig sa Republic Act 11212.
Sa panig naman ng MORE Power, malugod nilang tinanggap ang naging desisyon na ito ng Korte para mapagbuti pa nila ang operasyon gayundin ang pagdaragdag ng substations.
Ayon naman kay Atty Allana Mae Babayen-on, Legal Counsel ng MORE Power, hihintayin nila ang Court sheriff na iturn over sa More Power ang mga assets gaya ng naging proseso ng naging pagexpopriate ng iba pang assets ng PECO.