Ini-atras na ni Senador JV Ejercito ang kaniyang inihaing mosyon sa Sandiganbayan para makabiyahe sa labas ng bansa.
Ito’y makaraang makansela na ang biyahe ni Ejercito sa gitnang silangan bilang bahagi ng delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nakatakdang magtungo sa gitnang silangan ang Pangulo mula Pebrero 21 hanggang 25 para sa isang state visit.
Magugunitang nahaharap si Ejercito sa kasong technical malversation o illegal use of public funds kaugnay sa paggamit ng calamity fund para bumili ng matataas na kalibre ng armas.
By Jaymark Dagala | With Report from Jill Resontoc
Photo Credit: CNN Philippines