Masyado pang maaga para sabihin kung hihirangin na bilang isang santo si Mother Teresa sa susunod na taon.
Ito ang tugon ng Vatican sa harap ng mga umuugong na balita na isasabay ang canonization ng madre sa banal na taon ng awa o Holy Year of Mercy.
Ayon kay Fr. Federico Lombardi, tagapagsalita ng Vatican, magandang pakinggan ang nasabing balita ngunit nasa Santo Papa pa rin ang huling pasya.
Batay sa batas ng simbahan, kinakailangang makapagpakita ng isa hanggang 2 milagro ang isang kandidato sa pagkasanto bago ito tuluyang hirangin.
Ngunit sa ibang pagkakataon, binabago aniya ng Santo Papa ang batas depende sa kasaysayan ng isang kandidato sa pagka-santo ng simbahan.
By Jaymark Dagala