Magandang balita ito, hindi lamang para sa mga Pilipino, kundi sa lahat mga Katoliko sa buong mundo.
Nakatakda na umanong ika-canonize ni Pope Francis sa darating na Setyembre si Mother Teresa ng Calcutta.
Sa ulat ng Italian media, binanggit ni Archbishop Salvatore Fisichella na isasagawa ang canonization ni Inang Teresa sa Roma bilang bahagi ng Jubilee Year.
Gayunman, nilinaw ng Vatican Spokesman na hindi pa naman aprubado ang kanonisasyon at masyado pang maaga para sabihing naitakda na ang petsa para rito.
Para sa mga debotong Pinoy, si Mother Teresa ay huwaran ng pag-ibig, pagkalinga, at pagmamalasakit, at isang inspirasyon dahil sa kanyang banal na pamumuhay at pagkakawanggawa.
Katunayan, tatlong beses niyang binisita ang Pilipinas kung saan nagtayo ito ng Home for Sick and Malnourished Children o Alay ng Puso sa Binondo noong 1976 at nanguna sa inauguration ng Immaculate Heart of Mary Home for the Sick and Destitute sa Tondo noong 1977.
Bukod pa rito, naging panauhing pandangal din si Inang Teresa sa Rotary International noong 1984.
By Jelbert Perdez