‘Moral obligation’.
Ito’y ayon kay dating CIDG chief ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang tanging motibo niya sa pagbubunyag hinggil sa isyu ng ‘ninja cops’ o mga pulis na sangkot sa pag recycle ng illegal drugs.
Sinabi ni Magalong na hindi siya nag boluntaryo para magsiwalat sa isyu ng ‘ninja cops’ at alam aniya ito ni Senador Richard Gordon subalit ang obligasyon nya sa taumbayan ang nagtulak sa kaniya para magsalita na.
Una nang ibinunyag ni Magalong na hiniling ni Philippina National Police (PNP) chief Oscar Albayalde ,dating NCRPO director, kay dating PNP Region 3 chief ngayoy PDEA Director Aaron Aquino na huwag ipatupad ang dismssal order laban sa 13 police officials na sangkot sa umano’y drug recycling activity nuong 2012.