Misteryo pa rin para sa mga otoridad ang motibo ni Stephen Paddock sa pamamaril at pagpatay sa tinatayang 50 katao sa Las Vegas, Nevada, sa Amerika.
Aminado ang Las Vegas Police na tanging mga ebidensya ang kanilang hawak na maaaring maging daan upang matukoy kung ano ang tunay na motibo ni Paddock.
Bukod sa mga baril na narekober sa bahay ni Paddock, kabilang sa nakuha ng mga pulis sa kwarto ng suspek sa Mandalay Bay Hotel ang isang papel na naglalaman ng mga kalkulasyon ng distansya at trajectory mula sa 32nd floor.
Dahil dito, naniniwala ang mga otoridad na planado ng suspek ang pamamaril sa mga nanood ng route 91 Harvest Music Festival, noong Oktubre a-Uno.
Samantala, sa isang sworn affidavit ng 74 anyos na suspek noong 2013 na bahagi ng civil lawsuit laban sa kanya ng isang hotel, inamin ni Paddock na labing-apat na oras kada araw sa loob ng isang taon siya nagsusugal at 1 Million Dollars ang kanyang ipinupusta kada gabi.
Aminado rin ang suspek na umiinom siya ng Valium alinsunod sa prescription ng doktor bilang pangontra sa kanyang pagkabalisa.