Blangko pa ang Quezon City Police District (QCPD) sa motibo ng pagpatay kay Dr. Roland Cortez, hepe ng National Center for Mental Health (NCMH) at sa driver nito na si Ernesto Dela Cruz.
Ayon kay Major Elmer Monsalve ng QCPD, ang tanging natitiyak nila sa kasalukuyan ay plinano ang pananambang at target talagang patayin si Dr. Cortez at nadamay lamang ang driver nito.
Sa ngayon anya ay kasalukuyan ang backtracking ng pulisya sa mga naging trabaho ni Dr. Cortez upang alamin kung may kinalaman ito sa kanyang mga nagdaang trabaho o sa kasalukuyang pagiging hepe ng NCMH.
Sinabi ni Monsalve na hindi rin nila inaalis ang posibilidad na personal ang motibo ng pagpapapatay kay Cortez.