MAGHAHAIN ng motion for reconsideration ang Department of Justice o DOJ sa korte matapos ibasura ang drug case laban kay Julian Ongpin, anak ni dating trade minister Roberto Ongpin.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ilalabas nila sa media ang nilalaman ng kanilang mosyon kapag naihain na ito sa hukuman.
Matatandaang ibinasura ng korte ang kaso laban kay Ongpin dahil sa kawalan ng probable cause.
Una nang sinabi nina dating Senador Juan Ponce Enrile at Sorsogon Gov. Chiz Escudero na tama o walang mali ang naging hatol ni Presiding Judge Romeo Agacita, Jr. ng San Fernando City RTC sa kaso ni Ongpin.