Sumuko na sa NBI o National Bureau of Investigation ang sinasabing Chinese asset ni Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, boluntaryong sumuko si Yan Yi Shou alyas “Randy” kagabi sa NBI Special Task Force na pinamununuan ni Moises Tamayo.
Sumuko si Yan matapos magpasailalim si Marcelino sa kustodiya ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sina Marcelino at Yan ay kapwa nahahaharap sa kasong illegal possession of dangerous drugs sa Manila Regional Trial Court Branch 42.
MR to be filed
Samantala, nakatakdang maghain ng motion for reconsideration ang kampo ni Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino sa darating na Biyernes, Enero 6.
Kasunod ito ng pagsuko kahapon ni Marcelino matapos magpalabas ang Manila Regional Trial Court ng warrant of arrest laban sa kanya at sa asset nito na si Yan Yi Shuo alias “Randy” dahil sa kinakaharap na P380-million drug case.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta, legal counsel ni Marcelino na nais nilang maibasura ang kasong isinampa laban sa kanyang kliyente.
Si Marcelino ay pansamantalang nasa kustodiya ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ipinabatid ni Acosta na isasampa nila ang nasabing mosyon sa Biyernes, alas-8:30 ng umaga.
Bahagi ng pahayag ni PAO Chief Persida Acosta
By Meann Tanbio | Ratsada Balita