Pinagbigyan ng Korte Suprema ang motion for reconsideration ng mga petitioners, hinggil sa kahilingan ng mga residente malapit sa Payatas Sanitary landfill.
Kaugnay ito sa kanilang petisyon na ipatigil ang operasyon ng landfill, dahil ito ay nakakasira sa kapaligiran.
Dahil dito, inatasan na ng korte suprema ang Appelate Court na tumanggap ng mga ebidensya, magsagawa ng pagdinig at desisyunan ang kaso.
Mayroon namang 10 araw ang respondents na pinangungunahan nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Department of Environment and Natural Resources Solid Waste Management Commission Executive Dir. Emilio Ildefonso, na magbigay ng kanilang komento.
By: Katrina Valle | Bert Mozo