Hinarang ng prosecution ang mosyon ni Oriental Mindoro Governor Alfonso Umali na mag-biyahe sa Milan, Italy matapos itong ma-convict sa kasong graft.
Iginigiit ng prosecution sa kanilang opposition paper sa Sandiganbayan na maituturing nang flight risk si Umali kaya’t hindi ito dapat payagang mag-biyahe sa Milan sa June 14 hanggang 29.
Magugunitang si Umali, kasalukuyang treasurer ng Liberal Party ay hinatulang guilty beyond reasonable doubt matapos aprubahan ang isang maanomalyang loan na nagkakahalaga ng P2. 5 million pesos noong 1994.
By Judith Larino