Epektibo na ngayong linggo ang MVIS o Motor Vehicle Inspection System na bahagi ng modernisasyon ng mga pampasaherong jeepney.
Ayon kay Transportation Undersecretary at MMDA General Manager Tim Orbos, lahat ng irerehistrong pampasaherong jeepney ngayong taon ay kailangang dumaan sa MVIS.
Sa pamamagitan anya nito ay masasala nila ang mga bulok na jeepney na hindi na dapat irehistro at matanggal na sa kalsada.
Unang una para maka-adjust din ‘yung ating operators, kailangan nilang sumunod sa bagong business model kung saan ‘yung mga operators natin, number one, magkakaroon ng consolidation, magkakaron sila ng either cooperative or consortium at kailangan ‘yung kanilang mga jeepney, kailangan nila itong swelduhan hindi na tulad ng dati na boundary. Pahayag ni Orbos
Ayon kay Orbos, may mga nabuo ng organisasyon o kooperatiba ng mga jeepney operators ang nakatakda nang kumuha ng mga bagong sasakyan.
Ipinaliwanag ni Orbos na hindi mahalaga para sa gobyerno kung saan galing o sino ang gumawa ng mga bagong jeepney.
Ang mahalaga anya ay makasunod ang mga bagong jeepney sa itinakdang standards ng pamahalaan.
Binubura na rin anya ng PUV modernization ang boundary system.
Isang kagandahan ng pagru-grupo kasi nakita namin na kunwari sa isang ruta, hindi pwede ‘yung kunwari 100 indibidwal na mga operators dahil parang naglalaban ang 100 jeepney para sa same number of passengers. Paliwanag ni Orbos