Plano ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na maghigpit sa mga political motorcade at rally sa pagpasok ng campaign period sa Martes, Pebrero 9.
Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, nais nilang i-regulate ang campaign rallies, motorcades at miting de avance dahil maaari itong makaapekto sa trapiko sa Metro Manila o National Capital Region.
Sinabi ni Carlos na hiniling na rin nila sa COMELEC na payagan silang maghigpit sa panahon ng kampanya upang maibsan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko.
Sinasabing nais din ni Carlos na kumuha muna ng permit mula sa MMDA ang mga kandidato bago sila payagang magsagawa ng motorcade at campaign rally.
Nilinaw naman ni Carlos na hindi ipinagbabawal ang campaign rallies sa mga malalaking kalsada tulad ng Epifanio de los Santos Avenue o EDSA.
By Jelbert Perdez