Siniguro ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maipatutupad ang motorcycle exclusive lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City ngayong taon.
Sinabi ni MMDA Chairperson Romando Artes na sinisimulan na nilang ayusin ang paglalagay ng markings at road signages sa mga kalsada.
Maliban dito, naglaan na rin sila ng pondo pero kailangan pa nitong dumaan sa procurement process kaya baka matagalan pa ito.
Aniya, target nilang makapagsagawa ng dry run para dito ngayong buwan.
Sa oras na maipatupad ito, mananatiling bike lane ang outermost lane na pipinturahan ng berde, katabi ang PUV lane na kukulayan naman ng dilaw saka isusunod ang motorcycle lane na kulay asul.
Samantala, pag-aaralan din nila kung maaari itong gawin sa EDSA.