Nabuhayan ng loob ang grupo ng motorista hinggil sa kanilang panawagan laban sa doble-plaka law.
Ito’y makaraang ipahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sususpindihin niya ang pagpapatupad ng naturang batas.
Ayon kay Atoy Sta. Cruz, pangulo ng Motorcycle Federation of the Philippines, maaaring nalinawan ang pangulo hinggil sa kapahamakang dala ng paglalagay ng plate number sa harapan ng mga motorsiklo.
Sa katotohanan aniya ay noon pa lamang ay inaasahan na nilang iveveto ito ng pangulo.
Dagdag ni Sta. Cruz, posible na muli itong pinag-aralan ng pangulo bilang siya ay isa ring motorcycle driver.
Samantala, ngayon ay kasalukuyan silang naghihintay ng anunsyo kung ipagpapatuloy pa ba ang nakatakdang konsultasyon para sa implementing rules and regulation ng naturang batas o hihintayin na lamang ang pag-uusap ng pangulo at ni Senador Richard Gordon na pangunahing may-akda ng batas hinggil dito.
“Inieexpect namin na iveveto niya siguro sa dami rin ng pinipirmahan napirmahan niya. Ngayon naintindihan nniya sa Iloilo na sinabi niya, naintindihan niya yung plaka may kanto yun pag tumama sa mukha. Hindi niya nga nabanggit na sinsuggest na ni Senator Gordon na decal ang ilalagay. Ngayon, miski na decal or sticker maraming design ang motor at walang paglalagayan sa harapan nun.” Pahayag ni Sta. Cruz.