Matinding diskriminasyon sa mga riders ang Motorcycle-Only Checkpoints na isinasagawa ng mga pulis sa iba’t ibang mga lugar.
Ito, ayon kay Atty. Homer Alinsug, Tagapagsalita ng Pasahero Partylist, kung saan iginiit nito na nakasanayan na sa Police Checkpoints na i-single out ang Motorcycle riders, lalo na noong kasagsagan ng pagpapatupad ng mga lockdown.
Ipinunto pa ni Alinsug na kapag naka-kotse o four-wheel vehicle ay visual search lamang ang ginagawa ng mga otoridad ngunit pagdating sa mga Motorcyclists, ay kinakailangan pa aniyang sumailalim ng mga ito sa matinding Physical search.
Malinaw aniya itong diskriminasyon sa mga rider at maituturing na profiling ang naturang hakbang. —sa panulat ni Mara Valle