Nasawi ang isang motorcycle rider habang isa ang sugatan matapos maatrasan ng 14-wheeler truck na may kargang buhangin sa bahagi ng Barangay Valencia sa Quezon City, kahapon.
Batay sa ulat ng Quezon City Police District Traffic 4, naputol ang tow bar na hatak-hatak ng forklift na Isuzu Cargo Truck na minamaneho ng driver na si Rolando Llanera.
Dumausdos ang truck at naatrasan ang ilang sasakyan kabilang na ang biktimang motor rider na si Dexter Cortez.
Dinala si Cortez sa ospital ngunit hindi na umabot nang buhay, habang sugatan ang isang delivery rider matapos tumalon sa kanyang motorsiklo upang makaiwas.
Nahaharap sa kasong road crash resulting in damage to property with homicide and physical injury ang driver. —sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon