Hindi na umabot ng buhay ang isang motorcycle rider matapos masalpok nito ang isang kalabaw sa Amulung, Cagayan.
Kinilala lamang ng awtoridad ang biktima sa alyas na Jonnel.
Ayon sa pulisya, mabilis ang pagpapatakbo ni alyas Jonnel sa kaniyang motor at nabundol ang hayop.
Mabilis namang rumesponde ang mga pulis sa lugar at nadatnan nila nakahandusay sa semento ang biktima kasama ng kaniyang motor at ang nabundol na kalabaw.
Sa kasamaang palad, idineklara nang dead on arrival sa ng mga sumuring doktor.