Patay ang isang motorcycle rider matapos masagasaan ng 10-wheeler truck sa Osmeña Highway, Makati City.
Makikita sa kuha ng CCTV, pagka-green ng traffic light ay patawid na mula sa Arnaiz ang motorsiklong minamaneho ng lalake.
Ngunit sumalpok sa kaniyang gilid ang truck na bumabaybay ng Osmeña highway patungong Maynila.
Hindi na dinatnang buhay pa ng rescue team ang rider kaya idineretso na ito sa punerarya.
Natukoy naman ang pagkakakilanlan ng biktima sa kaniyang lisensya ngunit minabuti munang ipaalam ito sa kaniyang pamilya.
Kasalukuyang pinaghahanap naman ang tumakas na driver at pahinante ng truck na nakapangalan sa NCM Marketing corp.