Inaasahang mailulunsad sa unang bahagi ng 2023 ang Motorcycle Riding Academy ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Nilinaw naman ni MMDA Chairman Romando Artes na libre para sa mga rider ang enrollment sa nasabing programa kung saan bibigyan ng refresher course ang mga ito.
Sa ilalim ng naturang programa, kabilang sa mga ituturo sa mga rider ang basic emergency response at tamang disiplina sa pagpapatakbo ng motorsiklo upang maka-iwas sa aksidente.
Matapos naman ang refresher course ay bibigyan ng certificate ang mga nag-enroll. —sa panulat ni Hannah Oledan