Itinigil na nang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board, ang pagpapalawak pa ng mga motorcycyle taxi dahil nakatakdang matapos na sa mayo ang pilot study hinggil dito.
Kaugnay nito, bubuo ang LTFRB ng mga rekomendasyon sa kongreso tungkol saoperasyon ng mga MC Taxis.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, nakasalalay sa kamara kung tatanggapin o hindi ang kanilang rekomendasyon at naka-depende rin sa desisyson ng mga mambabatas ang susunod nilang gagawin.
Sa kasalukuyan, mayroong 51,000 motorcycle taxi slots sa Metro Manila. – sa panunulat ni Katrina Gonzales