Inaprubahan na ng House Committee on Transportation ang panukalang pagsasalegal ng operasyon ng motorcycle taxis sa bansa.
Sa pamamagitan ng panukala, papayagan sa gitna ng pandemya ang operasyon ng motorcycle taxis sa ilalim ng transport network companies.
Bukod dito, kailangan makakuha ng prangkisa ang motor taxis sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at lisensya ng drayber mula sa lto.
Samantala, ang LFTRB naman ang magpapasya ng pamasahe sa naturang sasakyan.—sa panulat ni Airiam Sancho