Dead-on-the-spot ang isang motorcycle rider at angkas nito matapos ma-hit-and-run sa kahabaan ng Barangay Lumingon sa Tiaong, Quezon.
Nakilala ang mga biktima na sina Jeffrey Manalo at angkas na si Gina Henobe.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad, tinatahak ng mga motorista ang Maharlika Highway bandang alas-8 ng gabi nang banggain ito ng isang sasakyan mula sa kasalungat na direksyon.
Agad namang humarurot ang driver ng sasakyan at iniwan ang mga biktima sa pinangyarihan ng insidente.
Sa ngayon, hindi pa masabi ng pulisya kung nakasuot ng helmet ang mga biktima.—sa panulat ni Abie Aliño-Angeles