Pumalo na sa mahigit 18,000 ang mga motoristang na-tiketan ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG).
Ito, ayon kay PNP-HPG Director, Brig. Gen. Clifford Gairanod, ay dahil sa iba’t ibang paglabag sa batas trapiko, gaya ng pagkakaroon ng blinker, modified muffler at paglalagay ng PNP stickers.
17 violator naman ang naaresto makaraang masangkot sa carnapping.
Samantala, aabot sa 500 sasakyan ang na-impound sa isang linggong operasyon ng HPGO simula Disyembre 2 hanggang 8. -–mula sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11) sa panulat ni Jenn Patrolla