Patay ang isang suspek dahil sa pagnanakaw ng motorsiklo sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Kinilala ang motornapper na si Sabahuddin Maton, residente ng Ampatuan Maguindanao.
Ayon kay Esperanza Chief of Police Major Alexander De Pedro, hinarang ng awtoridad ang suspek, ngunit hindi ito huminto at mabilis na pinatakbo ang sinasakyang motorsiklo.
Nasawi naman si Maton matapos magtamo ng mga tama ng bala sa katawan nang makipagbarilan sa awtoridad.—sa panulat ni AIriam Sancho