Gumugulong na ang Motu Proprio Investigation ng PNP sa mga pulis na idinawit ni retired SPO3 Arthur Lascanias sa umano’y DDS o Davao Death Squad.
Sinabi ni PNP Spokesman Senior Supt Dionardo Carlos na nangangalap na sila ng record ng mga nasabing pulis kabilang ang assignment unit at track record ng mga ito.
Aalamin din aniya sa imbestigasyon kung totoong dawit ang mga nasabing pulis, kung nangyari nga ba ang insidente at ano ang naging partisipasyon ng mga ito.
Kabilang sa mga binanggit ni Lascanias sina Senior Supt Vicente Danap na nakatalaga sa directorate for intelligence sa Camp Crame, SPO1 Renato Medina ng Davao City Police Office, SPO4 Sonny Buenaventura at SPO1 Jim Tan.
Nabatid na nag optional retirement naman ang dalawa pang nabanggit na pulis na sina SPO2 Rizalino Aquino at SPO2 Bienvenido Furog.
By: Judith Larino / Jonathan Andal