Magsasanib puwersa ang Pilipinas at Thailand upang masugpo ang pagkalat ng mga pekeng balita o fake news.
Ito ang pinagtibay ng dalawang bansa makaraang lumagda sina Presidential Communications Secretary Martin Andanar at Thai Deputy Government Spokesman Lt/Gen. Werachon Sukon-Thapa-Tipak ng isang Memorandum Of Understanding.
Ayon kay Andanar, saklaw ng kasunduan ang mga inilalabas na balita sa telebisyon, radyo, pahayagan gayundin sa social media.
Giit pa ng kalihim, hindi lamang dapat ang Pilipinas at Thailand ang dapat magkasundo sa halip ang lahat ng bansa sa ASEAN Region upang maihatid ang mga tunay at komprehensibong pagbabalita sa publiko.
By: Jaymark Dagala