Isinapubliko na ng Malakanyang ang nilagdaang Memorandum of Understanding o MOU noong Mayo 11 sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at Kuwaiti government na magbibigay proteksyon sa mga Overseas Filipino Workers na nasa Persian Gulf State.
Nakasaad sa MOU na hinati sa anim na artikulo ang mga responsibilidad ng bawat bansa para masigurong maibibigay ang mga basic human and labor rights ng mga OFWs habang nagtatrabaho sa Kuwait.
Kabilang sa mga mahahalagang nakapaloob sa kasunduan ang mga probisyon para sa food, housing, clothing at registration sa health insurance system ng mga domestic workers kasama na ang pagkakaroon nila ng personal cellphone upang makatawag at makausap nila ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
Sa nilagdaang MOU, inaatasan din ang mga employer na mag-open ng bank account na nakapangalan sa mga OFW upang mas maging madali at mabilis ang pagpapadala nila ng pera sa kanilang mga kamag-anak na narito sa Pilipinas.
Pinirmahan ang MOU nina Philippine Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Kuwaiti Deputy Prime Minister and Minister of Foreign Affairs Sabah Khaled Al-Hamad Al-Sabah.
(1/2)
Signed memorandum of agreement with Kuwait regarding protection of OFWs pic.twitter.com/s241lUZyF9— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 13, 2018
(2/2) pic.twitter.com/ygkBnG0QqZ
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 13, 2018