Lalagdaan na ngayong araw ang memorandum of understanding sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait hinggil sa pagbibigay proteksyon sa mga Overseas Filipino Workers sa naturang bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakatakdang ganapin ito mamayang ala-1:45 ng hapon sa Kuwait o alas-6:45 ng gabi dito sa Pilipinas.
Sasaksihan ang mangyayaring lagdaan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.
Ilan sa mga probisyong nakapaloob sa nasabing kasunduan ay ang pagbibigay ng day-off sa mga OFW at papayagan na rin silang gumamit ng cellphone.
Magkakaroon na rin ng 24-oras na hotline at bubuo ng task force ang Kuwait na maaaring tawagan ng embahada para sumaklolo sa mga OFW na nangangailangan ng tulong.
Umaasa si Roque na magiging daan ang naturang kasunduan para sa mas magandang relasyon ng dalawang bansa.
—-