Nagpakawala ng volcanic ash clouds ang Mount Anak Krakatoa sa Indonesia.
Ayon kay Deny Mardiono ng Indonesia Geological Agency, umabot sa 500 hanggang 3,000 meters ang taas nito.
Nabatid na 21 beses na sumabog ang naturang bulkan noong nakalipas na linggo, ngunit nitong linggo naganap ang pinakamalaking pagsabog.
Pinayuhan naman ng mga otoridad ang mga residente na umiwas sa two-kilometer exclusion zone, na ngayon ay nasa Volcanic Alert System Level 2.
Ang Anak Krakatoa ay isang bulkan na nabuo matapos ang malakas na pagsabog ng Mount Krakatoa noong 1883.