Binabantayan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Mount Kanlaon sa Negros Oriental.
Itoy makaraang muling magparamdam ng pag-aalburuto ang bulkan.
Ayon sa mga residente ng Kanlaon City, nakaramdam sila ng dagundong na tila may mga lumalabas na bato mula sa bulkan.
Sinasabing mas malakas ang naramdamang dagundong ngayon sa Mount Kanlaon kumpara noong November 23 nang magbuga ito ng abo at usok.
By Len Aguirre