Itinaas ng PHIVOLCS ang alert level 1 status ng Mount Kanlaon sa Negros.
Ito’y makaraang makapagtala ng mga aktibidad sa bulkan nitong mga nakalipas na araw.
Simula nitong Lunes ay nakapagtala na ang ahensya ng 80 mahihinang volcanic earthquakes.
Ayon sa PHIVOLCS, mula sa normal alert na alert level zero, itinaas nila ito sa alert level 1 na nangangahulugang nasa ‘period of unrest’ ang naturang bulkan.
Bukod pa sa volcanic eathquakes ay posible ring masundan ito ng steam-driven o phreatic eruption ng bulkan.
Pinag-iingat naman ang publiko at pina-iiwas munang pumasok sa 4-kilometers radius na permanent danger zone ng Kanlaon.