Isa pang bulkan ang nagpapakita ng mga palatandaan ng posibleng pagsabog.
Ayon sa PHIVOLCS, nakitaan nila ng abnormal condition ang Mount Kanlaon sa Negros Oriental kaya’t inilagay na nila ito sa alert level one mula sa dating alert level zero.
Napag-alaman na 80 volcanic earthquakes ang naitala ng PHIVOLCS mula noong March 9.
Sa ilalim ng alert level 1, ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong radius permanent danger zone.