Isinailalim na rin sa state of calamity ang Mountain Province dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.
Batay sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), kailangan ang naturang hakbang upang matiyak ang agarang aksyon para labanan ang sakit.
Naitala ang 503 ang kasong naitala sa probinsya ngayong taon.
Higit na mas mataas ito kumpara sa naitalang 117 kaso noong 2018.