Nananatiling delta variant-free ang Mountain Province at tanging lugar sa Cordillera Administrative Region o Car na hindi pa napapasok ng mas nakakahawang variant.
Ayon kay Mountain Province Governor Bonifacio Lacwasan Jr., bunsod ito ng pagsunod ng mga residente sa mga ipinatutupad na health protocols.
Bukod dito, ang mountain province rin ang may pinakamababang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 at batay na rin sa record ng provincial health office, karamihan sa mga kaso sa lugar ay mga biyahero, returning residents, at Authorized Persons Outside Residence o APOR na labas pasok sa probinsya.
Gayunman, sinabi ni Lacwasan na nakahanda pa rin ang kanilang temporary treatment at isolation facilities para sa mga indibidwal na tatamaan ng COVID-19.—sa panulat ni Hya Ludivico