Movie blast ang buwan ng Hulyo sa SM Cinemas
to ay dahil sa “Barbenheimer” na viral term para sa dalawang magkakontra subalit critically acclaimed film titles – Barbie at Oppenheimer, ang Disney fantasy/adventure movie – haunted mansion at horror flock – talk to me!
Ang Barbie na isang fantasy comedy film ni Greta Gerwig ay base sa kilalang fashion doll at kung saan bida sina Margot Robbie at si Ryan Gosling bilang Ken kasama rin sina America Ferrera, Will Ferrell at Dua Lipa.
Matapos ma expel mula sa idealistic Barbie Land sumuong sina Barbie at Ken sa isang paglalakbay tungo sa self-discovery.
Samantala, ang Oppenheimer na kinunan gamit ang specialized Imax cameras ay isang biological thriller hinggil sa theoretical physicist na si J. Robert Oppenheimer na Director ng Los Alamos Laboratory sa panahon kung kailan dini-develop ang atomic bomb.
Bida sa pelikulang oppenheimer si Cillian Murphy kasama sina Emily Blunt, Matt Damon at Robert Downey, Jr.
Kapwa palabas na simula nitong July 19 ang Barbie at Oppenheimer.
Ang Disney’s Haunted Mansion na isang supernatural horror comedy ay kuwento ng isang grupo na tumutulong sa pag-exorcise sa kanilang bagong biling mansyon na nadiskubre nilang pinamamahayan ng mga multo at ang nasabing pelikula ay pinagbibidahan nina Jamie Lee Curtis, Jared Leto, Owen Wilson at Winona Ryder.
Ang Talk to Me naman ay isang Australian supernatural horror movie na umiikot sa istorya nang pagkakadiskubre ng isang grupo ng magkakaibigan kung paano lalabanan ang mga espiritu gamit ang embalmed hand na naglalabas ng kakaiba at nakakatakot na supernatural forces.
Ang Disney’s haunted mansion at Talk to Me ay uubra namang mapanuod sa SM Cinemas simula sa July 26.
Kaya kung bet niyo ng exclusive watch parties ng mga nabanggit na pelikula kasama ang inyong bukas naman ang Director’s Club sa pamamagitan ng cinema on demand at SM event screen kung saan “Comfort meets fun”.
Isang private cinematic experience ang naghihintay sa mga manunuod ng pelikula via Director’s Club: Cinema on Demand dahil sa comfy leather seats, in house butler service, exclusive food menu, cutting edge laser projector, huge screens para sa ika nga’y perfect display of color, vibrancy ang sharpness at digital dolby 7.1 and dolby armos surround system system.
Ang Director’s Club ay maaaring ma experience sa sm cinema sa SM Mall of Asia, maison sa Conrad Manila, SM Aura Premier, SM Megamall, The Podium, SM Southmall, SM City BF Paranaque, SM City East Ortigas, SM City Grand Central, SM City Fairview, SM City Sta. Mesa, SM City Marikina, SM Seaside City Cebu, SM City Cebu, SM City Iloilo, SM Center Ormoc, SM City Cagayan de Oro Downtown Premier at SM City Puerto Princesa.
Samantala, ang SM event screen ang the best spot for you kung gusto mo ng private movie watch party kasama ang pamilya, o sing your heart out sa karaoke night with your beshies o kaya naman ay maglaro sa big screen kasama ang inyong buddies.
Uubra namang mag SM event screen sa SM City bataan, SM Center Urdaneta, SM City Tuguegarao at SM City Tanza.
Para mas kumportable habang nasa SM cinema mayruong available na popcorn at yummy snacks sa snack time.
Kaya tara na! Bisitahin na ang www.smcinema.com o ang @smcinema sa social media para sa mga great deals for that best movie experience.