Ganap ng Professional League ang Maharlika Pilipinas Basketball League sa pagbabalik ng season nito.
Tinuldukan ng MPBL ang tatlong taong pagiging semi-professional league at nakiisa sa Games and Amusements Board o GAB upang mapabilang sa mga Professional Basketball League sa bansa.
Tiniyak naman ni GAB Chairman Abraham Mitra ang suporta sa MPBL at tulong lalo sa safety at health protocol.
Bilang respeto anya ay ipinauubaya na nila sa liga ang pasya para sa 14 na players kung isasabak ang mga ito sa game matapos masangkot sa game fixing.
Pormal na ipinagkaloob ng GAB ang Professional License sa MPBL, na pinangunahan ni Commissioner Kenneth Duremdes, sa pamamagitan nina Mitra at GAB Commissioner Ed Trinidad.