Kinumpirma ng Manila Police District na kakasa ito sa panawagan ni Interior Secretary Benhur Abalos na magsumite ng courtesy resignation ang lahat ng PNP generals at colonels.
Kinumpirma ni MPD Director, Brig. Gen. Andre Dizon na suportado niya ang panawagan ni Abalos bilang bahagi ng anti-corruption, anti-criminality drive upang tuluyang mawala ang mga anay sa hanay ng PNP.
Sa katunayan ay handa si Dizon na magbitiw pero wala itong ibinigay na eksaktong petsa kung kailan magsusumite ng courtesy resignation dahil abala pa siya sa paghahanda para sa pista ng itim na nazareno.
Magugunitang tinawag ng kalihim ang kanyang apela na ‘radical approach’ na rekomendasyon ni PNP Chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr.
Ito umano ang tanging paraan upang linisin ang hanay ng pulisya sa kanilang posibleng pagkaka-ugnay sa operasyon ng iligal na droga.